Tuesday, July 3, 2012

The bottom line is...

....ayaw na niya and you have to let go.
Minsan talaga may dadaan sa buhay natin para lang paiyakin tayo. Yung mga line na “i need space’, ‘its not you its me’, mga gasgas na linya yan ng mga lalaki. You should know how to read between the lines. Pag tanggap mo na hindi na ikaw ang source of happiness niya, mas madali na mag move on. Kaya kayo naguguluhan dahil di niyo pa kilala ang isa’t-isa. You haven’t adjusted yet. Kapag nag-aaway kayo huwag mong aasahan na sabihan ka niyan ng maganda. Syempre galit yan, kaya nakapagsalita siya ng masama. Kung hindi mo na kayang maging partner sa kanya, sabihin mo. Mas masakit kasi kung wala siyang makukuhang paliwanag mula sayo. Mahal mo pa siya pero ayaw mo na talaga. parang gutom ka, tapos may nakahain na adobo. ayaw mong kainin kasi sinigang gusto mo. Ganyan talaga pag nag-aaway, feeling mo ayaw mo na, suko ka na. Pero kapag nagbati na kayo, maiisip mo na lang na mas marami pala ang magagandang bagay sa relasyon niyo. If you’re going to leave someone, magpaalam kayo ng maayos. Pag sinabing “EX” issue palagi yan. Bago ka makinig sa iba, listen to your heart first. Kasi sa huli hindi naman sila ang magsa-suffer, ikaw. Pag nalilito ka kung sino sa dalawa ang mahal mo, isipin mo na lang kung sino sa dalawa ang matatanggap mo pag ngkasala sayo. Kahit anong alaga sa’yo ng partner mo, you will be hurt. emotionally attached ka e. Minsan kahit wala kang pagkukulang, iiwan ka parin ng partner mo. kahit nga sobra sobra na ang ibinigay mo. iiwanan ka parin. Mahal mo naman pala siya eh, wag mong iwan. Instead, tulungan mo siya na baguhin ang mga bagay na ayaw mo. Ang ugali ng lalaki, kung kailan malapit ka ng makarecover, dun siya magpaparamdam. Doon pumapasok ang role ng babae, ang umasa. Ang mga lalaki kaya nilang magsabi ng i love you ng harap-harapan. Pero duwag kapag magpapaalam na. Masakit man, kailangan mong sabihin ang mga dahilan mo. Huwag mo siyang pahulain. Huwag mo siyang hihiwalayan ng wala kang iiwan na dahilan sa kanya. Masakit man, kailangan mong sabihin ang mga dahilan mo. Kung mas pinaiiral mo ang pride at galit, mas umiikli ang life span ng isang relasyon. Pag nag mahal ka kahit na inaalagaan ka ng taong mahal mo. masasaktan at masasaktan ka. Yun ang tinatawag na package deal. Pag inisip mo ng inisip na walang matinong relasyon, hindi ka talaga mag kakaroon nyan. Walang mangyayari sa isang relasyon pag may kasamang pride. haiiissstt.. ^_-

No comments:

Post a Comment